image

Ang Queen pineapple ay isa sa ipinagmamalaking produkto sa Kabicolan partikular sa probinsya ng Camarines Norte. Sinasabing ito ang pinakamatamis na variety ng pinya kumpara sa iba, ito ay malutong at napakasarap kainin.

Dahil sa kasaganaan ng queen pineapple sa nasabing probinsya, napagpasyahan ng San Lorenzo Ruiz Association (SLRA) na binubuo ng tatlumpung miyembro (30) na subukang gumawa ng alak at suka mula sa Queen pineapple.

Ayon sa samahan, naisip nila ang inisiyatibong ito dahil ang lahat naman ng materyales na kakailanganin nila sa paggawa ng mga nabanggit na produkto ay matatagpuan na sa kanilang probinsya.

Kaya naman sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture – Regional Field Office 5 at ng Bureau of Agricultural Research o BAR, binigyan nila ang SLRA ng sapat na training at kaalaman para makagawa ng  alak, suka, at juice mula sa nasabing variety ng pinya.

Ang nasabing suka ay masarap umanong gamitin sa pagluluto ng adobong manok dahil sa dagdag na lasa at halimuon na dala nito.

Dagdag pa rito, nakatutulong din sa pagpapababa ng blood pressure ang pinya juice sakaling mataas ang iyong blood pressure. Kaya naman, mas gusto ng mga taong self conscious (kon-shus) ang pinya para mapanatili ang kanilang kalusugan.

Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa Queen pineapple vinegar, maaaring makipag-ugnayan kay Miss Maria Christina Campita sa numerong 0-9-3-9-5-6-6-8-9-7-3 o sa kanyang e-mail na christina.campita@gmail.com (christina c-h-r-i-s-t-i-n-a dot campita c-a-mp-i-t-a at g-mail dot com). At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).

image

image