Ni Lara Lapitan

image

Binansagang “food of the future” – ang cassava o kamoteng kahoy ay isa sa itinuturing na may pinakamalawak na sakahan sa mga bansang tropiko gaya ng Pilipanas. Sa mahigit 15 milyong Pilipinong nagkokonsumo nito, higit dalawang daang libong pamilyang magsasaka na ginagawa ito bilang hanapbuhay.

Base sa Philippine Statistical Authority, noong 2006, tinatayang 2.71 milyong metrong toneladang cassava ang naitatanim sa 223,000 ektaryang lupa. Sa tulong ng Department of Agriculture, naisulong ang National Cassava Development Plan na nagbigay daan upang matukoy ang mga isyu sa pananim tulad ng mababang produksyon dulot ng kakulangan sa mga kagamitan sa pag-aani.

Upang masolusyunan ang problemang ito, ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech kasama ang Bureau of Agriculture ay bumuo ng proyektong “cassava digger” na naglalayong makatulong sa mga magsasaka upang mas mapadali ang pag-aani at mabawasan ang hirap at gastusin sa produksyon.

Ayon sa resulta o feedback na nakalap sa mga magsasaka, ang paggamit ng cassava digger ay nakabawas ng 88 porsyento sa trabaho ng mga magsasaka, nagtamo ng 100 porsyento sa produksyon at nabawasan ng 81 porsyento ang pagkalugi.

Dahil sa mataas na demand ng cassava, ang Asian Food and Agriculture Cooperation Initiative o AFACI ay pinondohan ang proyektong “Enhancing Agricultural Mechanization Technologies for Crop Production and Post-Harvest Processing of Cassava” upang magkaroon ng naaayong teknolohikal na paraan at proseso ng pag-aani na angkop sa pangangailangan ng mga magsasaka.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa cassava, maaaring makipagugnayan kay Dr. (dok-tor) Romualdo Martinez sa mga numerong 0-4-4-4- 5-6-0-2-1-3 at 0-9-1-8-9-4-8-3-6-1-9 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na romualdomartinez@yahoo.com (rom-wal-do Martinez at yahu dot com). At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).

image