kilala ang Lipa bilang industriya ng “beekeeping” o kilala sapag-aalaga ng mga bubuyog. Si Mister Porferio Olan na mas kilala sa tawag na “Ka Periong” ang nagsimulang mag-alaga ng bubuyog taong 1960 sa Lipa City.
Sa tulong ng Department of Agriculture Region IVA – Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC), ng City Agriculturist ng Lipa at sa pakikipag-ugnayan ng University of the Philippines Los Baños – Bee Program, naitaguyod ng Bureau of Agricultural Research ang Lipa Beekeepers Marketing Cooperative (LBMC) sa pamamagitan ng isang proyekto sa ilalim ng National Technology Commercialization Program (NTCP).
Ang LBMC ay opisyal na kinilala sa Cooperative Development Authority noong Hunyo 2015. Mayroon itong 25 miyembro na paglaoy umabot sa 40. Ang mga miyembro ng kooperatiba ay binigyan ng mga training at mga teknikal na paggabay ukol sa beekeeping.
Nakapagpundar ang LBMC ng mga kagamitan tulad ng honey extractor at wax melter na kanilang ginagamit sa produksyon.
Ilan sa mga uri ng bubuyog na inaalagaan ng mga beekepeers ay ang European honeybee o Apis mellifera, native honeybee o Apis cerana na may bansag na “laywan” at stingless bee o Tetragonula species na kilala sa lokal na tawag na “lukot”.
Ang kooperatiba ang nangangasiwa sa pagbebenta ng mga produkto mula sa bubuyog gaya ng honey, wax, propolis, pollen, honey cider (sidar), vinegar at soap. Nakapagtayo din sila ng isang apiary-restaurant, ang The Beehive Farm and Kitchen, isang American cuisine na ang pangunahing sangkap sa mga lutuin ay ang honey.