image

Sa pag haharvest ng mais maging sa pagluluto nito para ibenta, madalas ay itinatapon ang corn silk o sutla ng mais (Maydis stigma).

Ang sutla ng mais, ay kumpol ng mga pino at malalambot na hibla ng mais. Ito ang pangunahing sangkap sa paggawa ng Maize Silky Sip juice drink, isang inuming likha ng Department of Agriculture โ€“ Cagayan Valley Research Center (DA-CVRC) Region II.

Ang Maize Silky Sip ang pinakabagong produkto ng โ€œMangi Maxi,โ€ proyekto ng DA-CVRC.

Sa pagpoproseso nito, pinapakuluan ang sutla ng mais at saka iimbakin, pagkatapos ay hahaluan ng lemon grass at honey.

Masustansya ito dahil sagana ito sa vitamins, protein, carbohydrates, calcium, potassium at magnesium. Mayaman din ito sa sodium salt, volatile oils, steroids at saponins.

Dahil sa madaming benepisyong taglay nito, ang Maize Silky Sip ay tinangkilik at naging mabenta sa panlasa ng masang Pilipino.

image