image

Pinanumpa ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga opisyal at miyembro ng bagong tatag na (PaMaMariSan- Rizal Press Corps) o Pasig, Marikina, Mandaluyong, San Juan – Rizal Press Corps, nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 29, 2019.
Ang nasabing Oath-taking at Induction Ceremonies ay ginanap sa Chef Laudico Guevarra’s Grills sa San Juan City.

Ang mga nanumpang opisyal ng PaMaMariSan- Rizal Press Corps, ay Kinabibilangan ng Presidente nito na si Neil Alcober ng Daily Tribune; Vice President, Vicky Aquino ng Abante; Secretary Christian Oineza, Malaya Business Insight; Irwin Corpuz, Teasurer, Police Files Tonite; Auditor Knots Alfonte, Diaryo Bomba; Mac Cabreros, Chairman of The Board; Nep Castillo, Director, Sacto News; Raffy Rico, Director, NMB Online TV; Rocel Lopez, Director, Sphere Cyber TV, Millennial Online TV; Nolan Ariola Director, Leader News Philippines; Gina Mape, Director, DWWW 774/ Diaryo Agila; Elma Morales, Director, Pilipino Mirror; Henry Atuelan, Director, DZMM; Rambo Labay, Director, DZXL; Val Gonzales, Director, DZRH; Gilbert Perdez, Director, DWIZ/ Police Files Tonite; Madz Villar, Director, DZEC/ Bulgar; William Valencia, Director, DZAR; Maritess Pumaras, Director, ;DWSS at Felix Tambongco, Director, ng DZRJ.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan din ni dating National Press Club (NPC) President na kung saan sa ngayon ay DENR Undersecretary Benny Antiporda, San Juan Vice Mayor, Warren Villa, San Juan Chief of Police (COP), Police Col . Jaime Santos, May Bahay ni Mayor Zamora, ilang Konsehal at staff ng San Juan City hall.

Sa mensahe Ni Mayor Zamora binigyang diin nito ang magandang relasyon at matatag na ugnayan ng media at lokal na pamahalaan pagdating sa patas na pamamahayag at pagsusulat sa dyaryo. Lalo na’t, sa makatutuhanan at maayos na pamamalakad ng mga opisyal ng lungsod.

imageimageimageimageimage