image

Nagpapasalamat ang buong puwersa ng Pasig Marikina Mandaluyong San Juan-Rizal Press Corps (PaMaMariSan-Rizal Press Corps)  kay San Juan City Mayor Francis Zamora  sa ipinagkaloob na ayuda nito sa grupo ng mga Media na nagcocover sa silangang bahagi ng Metro Manila, sa pangunguna ng Presidente nito na si Neil Alcover ng Daily Tribune, Vice President Vicky Aquino ng Abante Tonite at iba pang opisyal at miyembro ng nasabing grupo.

Malugod na tinanggap ni Raffy Rico bilang opisyal din ng samahan at publisher ng Noon Break Balita ang ipinagkaloob na ayuda ni Mayor Zamora na para sa grupo. Ayon sa nag deliver ng ayuda, masyadong busy ang alkalde kung kaya hindi ito nakarating maging ang mga empleyado nito, kung kaya sila na lang ang naatasan na magdala ng relief pack sa opisina ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa San Juan City.

Matatandaang kamakalawa lamang May 16, 2020, nagbigay din ng ayuda ang dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan sa grupo ng PaMaMariSan na sina: Presidential Communications Operations Officer Secretary Martin Andanar at si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel M. Sy Egco. Ayon Kay USec Egco, ang mga Media lang umano ang mga frontliners ang walang natatanggap na ayuda o kahit ano mang hazard pay, depende na lang umano sa kumpanyang pinapasukan nito subalit, karamihan umano ay hindi nagbibigay ng suporta. Kung kaya, bilang mga dati ring mamamahayag at ngayon naka puwesto sa gobyerno, naiintindihan umano nila ang kalagayan at buhay ng mga Media.

image

image

Salamat Mayor Francis !

image