image

Pinasinayaan nitong nakaraang Enero 14, 2022 ang pinakamagarbong luxury Hotel, Residential Condominium at iba pa, na itatayo sa lalawigan ng Pampanga. Ito ay may bilang na 10 gusali, na may 15 palapag, na matatagpuan sa Claro M. Recto Highway , Clark Freeport Zone , Pampanga.

Ang 5-star na GREEN GARDEN Hinyee Holding, ay idedevelop ng Golden World Development Corporation na siyang gagawa ng world class amenities, kagaya ng indoor swimming pool, indoor gym, owner’s club, hanging garden, children’s play area. Luxurious at highly modernized residential condominium, commercial  establishment at hotel, ito ay may 3 hanggang 5 minutes drive papuntang Clark Airport at Train Station. Malapit din ito sa NLEX at SCTEX. Ang phase 1 ng proyekto ay nakatakdang tapusin sa taong 2024.

Bagamat nasa ilalim pa rin ang Pilipinas ng pandemya at apektado ang mga negosyo, malakas pa rin ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng dalawang bansa partikular ang mga Chinese investor  na patuloy  ang pakikipag business partner sa mga Filipino,  kagaya ng pagbubukas ng bagong negosyo sa Clark Pampanga na magbibigay ng oportunidad at trabaho sa ilang mga pinoy sa nabangit na lalawigan.

Ayon kay Corporate Secretary & Director Eduardo Pinlac Jr., ang pagtatayuan ng GREEN GARDEN ay may lawak na mahigit sa 2.5 hectares o 20,740 sq mtrs na lawak, na popondohan ng P5 billion hanggang sa matapos ito. Aabot naman sa 500 construction workers ang magtatrabaho dito, at 300 regular na empleyadong Filipino ang makikinabang sakaling mag operate na ang nasabing stablishment.

Sa nabangit na okasyon, ito ay  dinaluhan ng mga VIP guest, kilalang mga personalidad at mga mamamahayag mula sa ibat-ibang pahayagan, radio, tv, at online network. Pinangunahan ni Golden world’s President Mr. Oscar Maglalang Jr. ang opening remarks, kasunod nito ang espesyal na mensahe ni CDC President Ret. PBGen. Manuel R Gaerlan  at ang maikling mensahe ni Filipino Chinese Federation of all Circles Chairman  General Manager Mr Hanci Yang.

Para sa buong detalye ng proyekto, maaaring bumisita sa Green Garden Sales Office, Claro M. Recto Highway, Clark Freeport Zone, Pampanga  o tumawag sa #09692309999 at maari ring bumisita sa online show room kung nais na ma view ang mga units at commercial building.

image