image

image

image_thumb26_thumb

image_thumb61_thumb

Bilang tagapagsalita ng Ang Kabuhayang Kayang Kaya Partylist (AKKK Partylist),  pinangunahan ni Atty. Moby Arquiza ang pagpapakilala sa mga panauhin na negosyanteng sumusuporta sa magandang adhikain ng AKKK Partylist. Kasama dito ang ilang bloggers, media, at ilang social media influencers na ginanap sa Kabab and Curry,  sa # 20 Jupiter St. Makati, City, na ginanap nitong nakaraang May 1, 2022 .

Nagpahayag ang mga negosyante ng pagsuporta  sa AKKK Partylist dahil sa magandang layunin nito na suportahan ang mga maliliit na negosyo sa bansa.

Sinabi ni Arquiza, na kailangang maging marketing ambasdor of goodwill ang mga bloggers/Vloggers para matulungan ang maliliit na negosyo sa bansa na pinadapa ng halos dalawang taong pagkakaroon ng pandemya.

Suportado rin ni USEC Abdulgani “Gani” Macatoman ng Department of Trade and Industry (DTI) na TV host ng programang “Kabuhayang Pinoy” ang adbokasiya na inorganisa ang bloggers/Vloggers and Social Media para maging ambasador of goodwill na tututok sa MSMEs.

Sinabi naman ni first nominee AKKK Partylist Mufaida “Muffy” Alonto Makatoman kamakailan, na ang isa sa layunin ng AKKK Partylist na kailangang mabigyan ng boses ang maliliit na sector ng negosyo sa kongreso, para sa kapakanan ng Micro Small Medium Enterprises (MSMEs). Dagdag pa nito, na halos 38% na MSMEs ang nagsara dahil sa paulit-ulit na lockdown, kung kaya naman halos umabot din sa 3.13 million ang nawalan ng trabaho pagsapit ng Pebrero 2022, ayon umano ito sa Philippine Statistics Authority.

image_thumb70_thumb