Ang Tulâ Táyo 2026 ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tulâ na naglalayong palaganapin ang talino at malikhaing pagpapahayag sa wikang Filipino. Layunin din nitong hikayatin ang maigting na partisipasyon ng mga makata mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Bukas ang timpalak sa mga tulang dalít, diyóna, at tanagà na nakasulat sa wikang Filipino at pumapaksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026: “Bekët (Bigkis) Panitikan sa Katwiran at Kalikasan.
1. Paraan ng Pagsumite:
Ipo-post ang mga tulâ (dalít, diyóna, o tanagà) sa seksiyon ng komento at ilalagay rin sa Google Form link (na ilalabas pa lamang) na makikita sa nakatalagang poster ng bawat anyo ng tulâ upang maging opisyal na lahok.
Iskedyul ng Pagtanggap ng Lahok:
Pebrero 23–27, 2026 – Dalít
Marso 2–6, 2026 – Diyóna
Marso 9–13, 2026 – Tanagà
2. Pagiging Opisyal ng Lahok:
Magiging opisyal lamang ang lahok kapag naipasa ito sa Google Form link na matatagpuan sa opisyal na Facebook page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
3. Orihinalidad at Antas ng Wika:
Tanging mga orihinal na tulâ na nakasulat sa wikang Filipino at nasa antas tudlikan ang tatanggapin. Kailangang umayon ang paksa sa tema ng Buwan ng Panitikan 2026.
4. Gantimpala:
Tatanggap ng ₱1,000.00 ang unang sampung (10) magwawagi sa bawat anyo. Ipapaskil ang mga nanalong akda sa opisyal na website at social media ng KWF.
5. Pasiya ng Hurado:
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado.
Facebook Comments
