𝐊𝐖𝐅 𝐚𝐭 𝐒𝐀𝐆𝐈𝐏-𝐖𝐈𝐊𝐀, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀 𝐀𝐓 𝐊𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀

e29dec86-30ee-4246-959e-5a0de7ff33fc.jfif

Pormal nang nilagdaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Samahan ng mga Guro at Iba pang Propesyonal sa Wika, Inc. (SAGIP-WIKA) ang isang Memorandum ng Unawaan (MOU) noong Hulyo 15, 2026 sa Auditorium ng Philippine Information Agency (PIA) sa Quezon City.

Isinagawa ang paglagda matapos ang opisyal na paglulunsad ng Kapihang Wika tampok ang Semestreng Ulat ng KWF, bilang hakbang upang higit pang mapatatag ang ugnayan ng pamahalaan at akademya sa pagpapayaman at pagsusulong ng pambansang wika.

Pinangunahan nina KWF Chairperson Atty. Marites A. Barrios-Taran, Fultaym Komisyoner Dr. Carmelita C. Abdurahman, at Fultaym Komisyoner Dr. Benjamin M. Mendillo Jr. ang paglagda para sa KWF, habang si Dr. Radji A. Macatabon ng University of Southern Mindanao ang lumagda para sa SAGIP-WIKA.

Layunin ng SAGIP-WIKA na pag-isahin ang mga guro at iba pang propesyonal sa wika upang isulong ang pangangalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikipagtulungan.

3f0c8ad7-50c9-4dc4-9551-c54df3975f28.jfif29870635-18eb-46a8-8a1d-32d97cb206ba.jfif36b029d0-27e3-4fb9-bbbe-6cd4b1be4c6c.jfif

Facebook Comments