Mga Bayaning Tagapangalaga ng Kalikasan, Pinarangalan sa 2026 Wildlife Sentinel Awards

df76fa67-efc0-4c9d-994d-4cd2006a641a.jfif

QUEZON CITY — Pinarangalan ng wildlife conservation organization na TRAFFIC International ang mga indibidwal at ahensiya ng pamahalaan na nagpakita ng natatanging dedikasyon sa paglaban sa wildlife crime sa ikalawang Wildlife Sentinel Awards (WiSe) na ginanap sa Quezon City.

Kinilala sa naturang parangal ang mahahalagang ambag ng mga tagapagpatupad ng batas, kawani ng gobyerno, at iba pang katuwang na nagpatibay sa kampanya laban sa ilegal na kalakalan at pang-aabuso sa mga mailap na hayop sa bansa.

Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Josefina ‘Joy’ Belmonte na bawat pag-aresto, pagsasampa ng kaso, at maayos na operasyon ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang mga nanganganib na uri ng hayop.

Limang kategorya ang ginawaran ngayong taon—Innovation, Impact, Integrity, Collaboration, at Leadership—na kumilala sa mga inisyatibang nagpalakas sa pagpapatupad ng batas, pakikipagtulungan ng mga ahensiya, at pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang sa mga nagwagi sina Police Major Arnel C. Anino para sa Innovation, habang tinanghal namang Impact at Leadership awardee ang Philippine National Police-Maritime Group. Kinilala rin ang Enforcement Division ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) CARAGA para sa Integrity at ang DENR National Capital Region para sa Collaboration.

Ayon kay Kanitha Krishnasamy, ang bawat pagdakip, pagsagip sa mga hayop, at pagkakasamsam ng mga ilegal na wildlife ay bunga ng tahimik ngunit mahalagang sakripisyo ng mga tagapangalaga ng kalikasan. Aniya, inaasahang magsisilbing inspirasyon ang mga pinarangalan upang mas marami pang makiisa sa laban kontra wildlife crime.

Ang WiSe Awards ay bahagi ng programang Taking Charge: Strengthening Criminal Justice Response to Wildlife Crime in the Philippines ng TRAFFIC, na sinuportahan ng United States Department of State’s Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL).

25b0e422-36d7-4ed0-bd8a-2e0090f968f8.jfifea2a113a-92b3-4394-bad0-f3a1c5799109 (1).jfif

923e89a3-3690-433d-9482-80cf2456a082.jfif5182315a-1714-49e7-9be5-5ff64fdcf05c (1).jfif

5372bbbf-81da-44c6-83bc-4330814e344c.jfif

Facebook Comments