DKT PHILIPPINES FOUNDATION NAGLUNSAD NG KAUNA-UNAHANG FLOATING CLINIC PARA SA FAMILY PLANNING

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (7)

TAGUIG CITY — Inilunsad ng DKT Philippines Foundation ang kauna-unahang family planning floating clinic sa Pilipinas na maghahatid ng libreng serbisyo sa pagpaplano ng pamilya at reproductive health sa mga komunidad na mahirap maabot sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inilunsad ang SODEX Floating Clinic noong Agosto 20 sa BangkaPro sa Taguig City, katuwang ang Ministry of Health-BARMM.

Magsisimula sa Setyembre ang operasyon ng floating clinic sa mga komunidad sa Tawi-Tawi, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur.

Kabilang sa mga libreng serbisyong maaaring makuha sa floating clinic ang konsultasyon at counseling, gayundin ang mga long-acting contraceptive tulad ng intrauterine device o IUD at two-rod implants. Available din ang mga pansamantalang pamamaraan gaya ng pills, injectables, at condoms.

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (2)

Ayon kay Denise van Dijk, Chair of the Board ng DKT Philippines Foundation at President at CEO ng DKT Health Inc., layunin ng programa na alisin ang mga hadlang sa family planning at mailapit ang mga de-kalidad na serbisyo sa mas maraming Pilipino.

Sinabi naman ng Ministry of Health-BARMM na malaking hamon para sa maraming komunidad ang distansya at heograpiya sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugan.

Ayon kay Dr. Kadil “Jojo” M. Sinolinding Jr., Minister ng Ministry of Health-BARMM, sa pamamagitan ng floating clinic ay direktang maihahatid sa mga komunidad ang impormasyon at serbisyo sa family planning sa halip na kailanganin pang bumiyahe nang malayo ang mga residente.

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (6)

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (3)

Binigyang-diin din ng Department of Health na mahalagang bahagi ng Universal Health Care ang family planning at makatutulong ang mga ganitong programa upang maihatid ang serbisyong pangkalusugan hanggang sa mga komunidad na pinakamahirap maabot.

Ang floating clinic ay bahagi ng SODEX Program ng DKT Philippines Foundation, na nagbibigay ng libreng family planning services sa pamamagitan ng mga partner health facility at mobile clinic.

Mula pa noong 1991, isinusulong ng DKT Philippines Foundation ang family planning at reproductive health sa pamamagitan ng edukasyon, advocacy, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor.

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (5)

SODEX Floating Clinic Launch - PR Photos (1)

Facebook Comments