DAR NAGKALOOB NG FARM MACHINERY AT INPUTS SA MGA MAGSASAKA SA SULTAN KUDARAT

d0db376f-8061-4099-9359-9729246d77f4.jfif38ccd723-f669-483e-bb0a-4771a897ae05.jfif

Sultan Kudarat – Mas mapapadali na ang pagsasaka ng mga miyembro ng Sampao Agrarian Reform Cooperative (SARCO) sa Isulan, Sultan Kudarat matapos silang makatanggap ng farm machineries and equipment (FMEs) at agricultural inputs mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Kabilang sa ipinamahagi ang hand tractor package na may kasamang ride-on disc plow, trailer at cage wheel, pati 25 sako ng 14-14-14 complete fertilizer at 25 weeder.

Ipinagkaloob ang mga ito sa ilalim ng Climate-Resilient Farm Productivity Support Program – Sustainable Livelihood Support for Disaster-Affected Areas (CRFPSP-SLSDAA) ng DAR. Layunin nitong tulungan ang mga magsasaka sa mga lugar na apektado ng kalamidad na mapataas ang kanilang produksyon at magkaroon ng mas matatag na kabuhayan.

e13d1bf3-50f3-47a7-bc83-9eb217e20c1c.jfifafe4ddfb-f738-4535-bec5-e31e24bea15f.jfif

Kasabay ng turnover, lumagda ang DAR at SARCO sa isang Trust Agreement upang matiyak na maayos na gagamitin, iingatan at pananatilihing maayos ng kooperatiba ang mga kagamitang ipinagkaloob.

Nangako ang mga miyembro ng SARCO na gagamitin ang hand tractor at mga kagamitan para sa kapakinabangan ng kooperatiba at ng mga kasaping magsasaka.

“Gagamitin namin nang maayos ang hand tractor at ang tatlong farm implements nito. Maraming salamat sa DAR-Sultan Kudarat family sa patuloy na pagtulong sa amin, mula sa pagkakatatag ng kooperatiba, mga training at seminar, hanggang sa trust fund na naging panimulang puhunan sa aming microfinance activity at sa patuloy ninyong suporta sa SARCO,” pahayag ng kooperatiba.

42c9dca6-7611-4623-af39-cc43f166f0ae.jfifaa21cd46-1bce-4d14-8b8a-c5148ccff38d.jfif

Dumalo sa turnover ang mga opisyal ng DAR Sultan Kudarat sa pangunguna ni PARPO I Sarah S. Lauban, kasama ang mga kinatawan ng Commission on Audit, Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee at lokal na pamahalaan ng Barangay Sampao.

Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Conrado M. Estrella III, patuloy na nagbibigay ang DAR ng mga FME, farm inputs at iba pang support services sa mga agrarian reform beneficiaries (ARB) upang hindi lamang magkaroon ng sariling lupa kundi magkaroon din ng kakayahang mapalago ang kanilang produksyon at kabuhayan.

87e15b70-1939-4335-b77a-8f31c6f56411.jfif9a354922-94bc-4991-b3aa-92aac1dd81a8.jfif

 

 

Facebook Comments