SOCA 2026: Abalos, Ipinakita ang Bagong Mukha ng Mas Ligtas, Mas Moderno at Mas Maunlad na Lungsod

Sa State of the City Address (SOCA) 2026, inilahad ni Mayor Menchie Abalos ang malalaking hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong upang higit pang pagandahin ang buhay ng bawat Mandaleño—mula pabahay at kaligtasan hanggang kalusugan at serbisyong panlipunan.
Nagbigay ang lungsod ng bagong laptop, karagdagang uniporme, at mas mataas na monthly allowances para sa mga kawani upang mapahusay ang serbisyo publiko. Patuloy rin ang pagtatayo ng mga housing project at high-rise condominium para sa mga informal settlers, na magbibigay ng mas ligtas at disenteng tirahan sa mas maraming pamilya.
Binuksan ang modernong CDRRMO Central Emergency Operations Center para sa mas mabilis na pagtugon sa sakuna at aksidente, katuwang ang 24/7 permanent evacuation center. Pinalakas din ang proteksyon para sa kababaihan at LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng Women and Children Protection Center at temporary safehouse na bukas araw at gabi.
Malapit na ring buksan ang Mandaluyong Coliseum na may world-class museum, gymnasium, at modern facilities—isang magiging sentro ng sining, kultura, at pagtitipon ng komunidad.
Isinusulong din ang mental health program na “Sagip Balisa” para sa mga kabataang nakararanas ng anxiety at iba pang suliranin sa kalusugan ng isip.
Para sa senior citizens, pinalawak ang cash incentives: ₱3,000 (80–84), ₱5,000 (85–89), ₱10,000 (90–99), ₱100,000 para sa centenarian, at dagdag na ₱100,000 pag umabot ng 101. Libre rin ang punerarya, chapel, cremation, at columbarium services sa Garden of Life Park, na bukas din sa karatig-bayan ngunit prayoridad ang mga residente.
Ipinagmalaki rin ng alkalde ang Mandaluyong bilang kaaya-ayang lungsod para sa negosyo at pamumuhay, may maaasahang transport network, abot-kayang gastos, matatag na seguridad, at kabilang sa mga top livable cities sa Metro Manila.
Sa Mandaluyong, hindi lang pangako ang pag-unlad—ramdam ito, nakikita, at nararanasan. Tuloy-tuloy ang pagbangon, tuloy-tuloy ang serbisyo, at mas maliwanag ang kinabukasan ng bawat Mandaleño!
Facebook Comments