MATAPOS ang matagumpay na selebrasyon ng San Miguel Oktoberfest sa Okada Manila noong Setyembre 26 na may temang “Beer, Bites, and Beats,” tutungo naman ang taunang beer festival sa anim pang destinasyon ngayong Oktubre.
Muling magdadala ng makulay at masiglang selebrasyon ang San Miguel Oktoberfest sa Batangas, Tuguegarao, Pampanga, Manila, Iloilo, at Agusan del Sur.
Nagsimula ang nationwide celebration noong Oktubre 3 sa Barangay Inosloban, Lipa City, Batangas, kung saan mahigit 4,000 katao ang dumagsa sa venue sa Lipa Bypass Road. Naging mas masaya rin ang pagdiriwang dahil sa malamig ngunit tuyong panahon.
Sa Oktubre 10, tutungo naman ang San Miguel Oktoberfest sa Tabacalera Grounds sa Tuguegarao City, Cagayan, kung saan inaasahang magpapasigla sa gabi ang mga bandang Maki, The Juans, Mama’s Boys, UCV Band, at Major Tom Band.
Sa Oktubre 17 naman, lilipat ang kasiyahan sa Royce Hotel and Casino Ballroom sa Clark, Pampanga, para sa pagtatanghal nina Bamboo, Itchyworms, Chew The Cud, at DJ Chelsea.
Samantala, magiging isa sa pinakamalalaking araw ng San Miguel Oktoberfest ang Oktubre 24 dahil tatlong malalaking beer parties ang sabay-sabay na gaganapin.
Sa Malate, Manila, sa harap ng LaVie Resort and Casino sa kahabaan ng Pedro Gil Street, magpapasaya sa mga bisita ang Kamikazee, Itchyworms, The Boyfriends, at Dilaw.
Sa Passi City Esplanade sa Passi City, Iloilo, naman ay magtatanghal sina December Avenue, The Juans, Kreonz, at Kultura.
Samantala, sa Prosperidad, Agusan del Sur, aalingawngaw ang Naliyagan Plaza Grounds sa tugtugan ng Mayonnaise, Rocksteddy, Tamad si Juan, at Agusan Marsh Band.
Kaya naman, ayain na ang barkada, mag-cheers sa malamig na San Miguel Beer, at makisaya sa San Miguel Oktoberfest sa inyong mga probinsya.