Filipino at Katutubong Wika, Dapat Di Mapag-iwanan sa Panahon ng AI — Barrios-Taran

f00cdad7-bfca-42f5-bbef-a0441210a28a.jfif1d284f7f-9ab1-4d75-aa5a-fbd52271c2b9.jfif

KIDAPAWAN CITY — Tinalakay ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran ang kahalagahan ng Wikang Filipino at mga katutubong wika sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence (AI).

Naging panauhing tagapagsalita si Barrios-Taran sa isang maikling talakayan hinggil sa Wikang Filipino at AI noong Setyembre 10, 2026, sa University of Southern Mindanao (USM), na dinaluhan ng mga guro sa asignaturang Filipino ng unibersidad.

a9322921-c9ca-46ac-ab7c-1a8f59270692.jfif

7fc26535-e531-4ba9-9148-bc3c87dd9dd2.jfif

Sa talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagharap sa mga bagong teknolohiya habang patuloy na pinauunlad at pinangangalagaan ang paggamit ng Wikang Filipino at mga katutubong wika.

Mahalaga ang ganitong usapin upang matiyak na hindi mapag-iiwanan ang mga wika ng bansa sa patuloy na pag-unlad ng AI. Kasabay nito, nagsisilbi rin itong hakbang upang higit pang mapalakas ang pagtutulungan at ugnayan ng KWF at USM sa pagsusulong ng wika sa larangan ng edukasyon at teknolohiya.

0a1983de-afe9-499b-833a-125e4df23a4a.jfif

851b0e64-6043-415b-8b23-e8ce855fea78.jfif

Facebook Comments