20150319_105157

Upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng kasong HIV/AIDS sa bansa nanawagan ang ibat-ibang grupo partikular si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa mga senador, na amiendahan na ang bagong batas ang RA-8504 of the Philippine AIDS Prevention and Control Acts of 1998.

Matatandaang, si Ifugao Rep. Baguilat ay ang isa sa naglagda ng House Bill 5178 na inaprubahan ng House sa ikatlong pagbasa (3rd reading) nitong nakaraang December 2014. Sa ngayon, ang Senado ay wala pang naipapasa..

Kailangan na namin  ng agresibo at mabilisang action ng senado, para mapigilan ang tumataas na bilang ng nagkakaroon ng HIV, ito ang tinuran ng mambabatas sa isinagawang press conference nitong nakaraang March 19, 2015.

Ang nasabing press conference ay inorganisa ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD), na may temang “Break Barriers end the trend: Addressing the HIV Epidemic in the Philippines, Ito ay dinaluhan ng Philippine Press Institute, Mr. Wanggo Gallaga, Writer at activist, Ms. Bai P. Bagasao, Country Diretor, UNAIDS Philippines, Hon. Teddy B. Baguilat, Representative, Lone District, Ifugao, at ang naging facilitator ay si Ms. Nenita B. Dalde, OIC, National Advocacy and Policy Development Unit, PLCPD.

20150319_104816