11200880_844947575541829_4981401890016106102_n
DAHIL sa kabagalan, usad pagong, at kawalan ng aksiyon ang pamunuan ng Mayfair Tower, na matatagpuan sa kanto ng Malate at United Nation sa Lungsod ng Maynila, sa nangyaring pagbasag sa salamin sa bandang pasengers seat, at drivers seat, ng isang ESTRADA na kotse, na nakaparada sa mismong bisinidad ng nasabing tower, nagpasya ang may-ari na nabiktima ng Basag Kotse Gang, na idulog kay Police Deputy Director General Leonardo Espina, na kasalukuyang OIC ng PNP ang nangyaring incidente.
Kinilala ang biktima at may-ari ng estradang sasakyan na si Narisa Gonzales dating broadcaster ng Hapi Morning sa ibat-ibang Himpilan ng Radyo.
Naganap ang nasabing incidente noong nakaraang Mayo 3, 2015. Ayon kay Ms Gonzales, nag park siya ng sasakyan bandang hating gabi May 2, kinabukasan sa mismong laban ni Paquiao, May 3, bandang 7:00 ng gabi, saka lamang ipina-alam sa kanila ng guwardiya ang nasabing pangyayari.
Hiniling umano ni Ms. Gonzales sa pamunuan ng gusali na tingnan sa CCTV na baka nakunan sa Camera ang incidente, subalit wala umanong maipakita ang pamunuan, dahil, dadalawa lamang ang CCTV Camera sa lugar at nakapaling pa sa ibang direksiyon ang isa.    
Ayon pa kay Ms. Gonzales, ayaw na sana niyang patulan ang nasabing issue, dahil ang nakuha lang naman sa kanyang kotse ay dalawang leather Shoulder bag, na kulay brown at black, speaker umano ng kotse na naiwan pa sa loob ng sasakyan at ang Biblia, at nangako na rin umano ang pamunuan ng gusali na magdadagdag ng Guwardiya at CCTV Camera. Subalit, hanggang sa mga sandaling ito umano ala pa ring ikinakabit na dagdag CCTV Camera at guwardiya, kung kaya’t naisip niya na ipagbigay alam na ito sa kinauukulan para ma-alarma ang mga may ari ng establisemeyento sa lugar ganon din ang mga kawatan.
Sinabi pa ni Ms. Gonzales, na ite-next niya si Gen. Espina nitong nakaraang Mayo 30, araw ng sabado, agad-agad umano nag reply ito sa text nya na ang sabi, ” I have called the attention of Rd Ncrpo and Dd Mod to act on these incidents imdtely po “. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang team ni Capt. Robert Bunayog na siyang Chief ng Manila Police District’s Pedro Gil precinct ng alas 4:00 ng hapon at nag-imbistiga sa mismong pinangyarihan ng insidente.
Siniguro naman umano si Capt Bunayog, na magtatalaga sila ng mga kapulisan sa UN Manila, upang maiwasan na muling may mabiktima ang Basag Kotse Gang, at kung ano pa mang mga insedente ng krimen sa lugar, ayon pa kay Ms Gonzales.