11542034_846157228788092_8441903597290171782_n

SA  pagnanais ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na paigtingin pa ang pagbabantay at pag huli sa mga illegal, unreported at unregulated na pangingisda sa bansa, pitumput-lima (75) na naman ang nagtapos ng Training at tumanggap ng diploma nitong nakaraang July 5, 2015. Ito ay ginanap sa National Brackishwater Fisheries Technology Center (NBFIC) sa Sitio Iringan Palsabangan, Quezon. Ang mga bagong Law Enforcers na ito na nagmula sa “Class SANLAHI” ay ang third batch na grupo na nakasunod sa alituntunin at trainning ng  Fishery Law Enforcers sa BFAR Pagbilao Quezon.

Sa unang batch ng mga nagtapos noong January 13, 2015, umabot sa 62 mula sa “MATINDI” class ang tumangap ng diploma. Sa 2nd batch, April 12, 2015, mula naman sa “Malakas” Class na may bilang na 51 ang nagtapos.

Ayon kay BFAR Dir./USec Atty Asis G. Prez, kagaya pa rin ng nauna at pangalawang programa ang kanilang sinusunod na modules,  na kung saan ang training ay mayroon pa ring 2 bahagi.

Sa unang 30-araw, ang mga participante ay tinuruan hingil sa disipline, conduct at moral values, basic tactical training, physical training; at ang 60-araw na training ay ginugol sa BFAR operation and protocols, Fishery laws and aquatic protection, shipboard operations and practicum, advance tactical training, water search and rescue, field training exercises and physical development program.

Bahagi pa rin ng BFAR’s law enforcement capacity-strengthening ay ang pagtanggap nila ng 40-footer Monitoring, Control and Surveillance (MCS) vessels (27 units), 30-footer multi-mission vessels (70 units) at 50-meter vessel (2 units) na may mga gamit ukol sa special operations tulad ng service firearms, GPS, night vision goggles, scuba gears and, rigid-hulled inflatable rubber boats.

Sinabi pa ni Dir. Perez na ang pang apat na batch, na mangagaling sa ibat-ibang rehiyon, ay naka umang na bago matapos ang buwan para sa masidhing training. Nakatakda  itong magtapos sa katapusan ng Oktobre ngayong taon.

Sa ngayon umaabot na sa bilang na 188 ang law enforcers ng DA-BFAR na magsisilbing tagabantay ng ating pala-isdaan sa coastal area.

11698730_846157402121408_1039861354854519744_n11695396_846157415454740_3510544353781078106_n