image

Sa pagbubukas ng 2016 MILO Little Olympics NCR & South Luzon sa Marikina sports Center nitong nakaraang Agusto 26, kinilala bilang Best Cheering Squad na may hawak pang basyong plastik na bote ng softdriks habang naghihiyawan ang mga estudyante ng Concepcion Integrated Secondary School of Marikina City. Ito ay  pinamumunuan ng kanilang  MAPE Department Head na si Angelo Basilio. Ayon kay Basilio, may bilang na isang libo mahigit ang kanilang cheering squad na mga estudyante.

image

Sa unang araw, habang tinatawag ang bawat eskwelahan na kalahok sa 2016 MILO Little Olympic na ginanap sa Marikina Sports Center nitong nakaraang Agusto 26, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kung kaya’t kanya-kanyang nagpulasan ng takbo ang mga estudyante at mga guro upang humanap ng masisilungan para hindi mabasa ng ulan.