image

Isinagawa ng Hotel SOGO ang Grand Launching  nang ika – 35th na sangay nito na matatagpuan sa #2231 Roxas Blvd. Bgy. San Rafael, Pasay City nitong nakaraang June 8, 2017 sa ganap ika-9:00  ng umaga.

Naging pangunahing bisita sa nasabing okasyon si Mayor Antonio G. Calixto ng Pasay City. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang limang beauty queen sa bansa na may hawak ng ibat-ibang titulo na sina: Sarah Margarette Joson, Miss NAITAS Face of Tourism 2017; Shanice Eve Bailon, Supermodel International Philippines; Angelica Burgos, Miss Heritage International; Rose Manalo, Miss Model Asia Pacific  at April Burgos, Miss Face and Body of the Philippines. 

Sa unang bahagi ng nasabing okasyon ginanap ang Banal na Misa na pinangunahan ni Fr. Cian Marques. Sinundan ng ribbon cutting na kung saan ito ay pinangunahan ng isa sa pangunahing bisita na si Mayor Antonio G. Calixto na inasestihan ni Hotel SOGO Chief Operating Officer Rey M. Malaca, Hotel SOGO Marketing Manager Sue Geminiano, Hotel SOGO Manager Danifer M. Calma, Hotel SOGO Sector Head Paulo Las. Kasama rin sa larawan sina Sarah Margarette Joson, Miss NAITAS Face of Tourism, 2017, Father Cian Marques at iba pang mga pangunahing bisita.

Nagsagawa rin ang Hotel SOGO ng Motorcade sa buong Pasay, na sinundan ng pagbibigay ng aliw sa mga bisita ng mga piling empleyado ng Hotel SOGO na nagpakita ng kagilagilalas na aksyon sa pag arte bilang mga Ninja.

Ayon Kay Malaca,  naiiba ang itinayong sangay na ito, dahil unique ang desenyo at naiiba kumpara sa mga naunang brances. (Photo by: Jimmy Camba )(Click picture below to enlarge)

imageimage

imageimage

imageimage