image

June 9, 2017 – Sa ika – apatnapu’t dalawang anibersaryo ng Philippines China diplomatic relations, nagsamasama ang mga pribadong sektor at government agencies para isulong ang larong basketball. Sa pasimula ng sports festival, nagsagawa ng friendly basketball game sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) team sa pangunguna ni commissioner Arnold Agustin  kontra China Embassy team sa pangunguna naman ng 3 diplomats,  na kung saan ito ay ginanap sa covered gym ng Chiang Kai Shek College sa Lungsod ng Maynila.

Ang nasabing multi-sports festival ay inorganisa ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ng Presidente nito na si Domingo Yap, Filipino Chinese Amateur  Athletic Federation (FCAAF), sa pangunguna naman ng Presidente nito na si William Gosiaco at ng Philippine Sports Commission (PSC) .

Nagsanib puwersa ang mga ito para i-organisa ang naiiba at unique sports Festival  kagaya ng: Table Tennis, Badminton, Basketball, at Golf, bilang “ 2017 Filipino–Chinese Friendship Game” sa pagdiriwang ng Ika-42nd anniversary ng Philippine –China diplomatic relationship  at ng ika-16th Filipino – Chinese Friendship Day ngayong araw.

Itong taong 2017 din ang ika – anim na raang anibersaryo ng royal state visit ng Sulu Sultan sa Beijing para makipagkita ang Emperador ng Ming Dynasty. Ito ay lalo pang nagpalakas sa relasyon ng Pilipinas at China .

Si PCAAF Executive Director Charlie Lim naman ang nagsilbing host at nagpakilala sa mga opisyal ng ibat-ibang samahan at grupo na dumalo sa nasabing okasyon. Sa ginanap na press conference, si Wison Lee Flores ng Kamuning Bakery Cafe at columnista ng Philippine Star ang naging host at moderator.(Photo by: Jimmy Camba) (Click pictre below to enlarge)

imageimage

imageimage

imageimage