Ni Lara Lapitan

image

Nagsanib puwersa ang Department of Agriculture- Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) at ang Visayas State University para sa isang proyekto upang malutas ang problema sa sakit ng prutas na langka.

Isa sa mga maituturing na totoong paborito ng mga Pinoy ay ang jackfruit na mas kilala bilang langka. Kinakain ang prutas nito kapag hinog at ginugulay naman kapag hilaw.

Marami pa ring ibang gamit ang langka dahil nakakukuha rin ng tabla mula sa kahoy nito, pakain sa hayop mula naman sa mga dahon nito, at syrup (si-rup) at jelly (je-li) mula sa balat nito. Kadalasang makikita ang langka sa mga bakuran ng mga bahay kaya naman isa ito sa mga nangungunang prutas na madaling itanim sa bansa.

Subalit ayon sa Philippine Statistics Authority o P-S-A, unti-unting bumababa ang produksyon ng langka sa bansa. Ang pangunahing dahilan sa pagbaba na ito ay ang sakit na kung tawagin ay Phytophthora (fay-tof-thora) palmivora Butler (bat-ler). Ito ang pangunahing nagdudulot ng pagkasira ng puno ng langka na maaaring mauwi sa mismong pagkamatay ng puno. Partikular na apektado ng sakit na ito ang silanganang bahagi ng Visayas o Eastern Visayas na itinuturing din na jackfruit capital ng bansa.

Upang tugunan ang problema na ito, naglunsad ang Visayas State University o V-S-U ng isang proyekto kasama ang Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Research o D-A BAR na kung saan pinag-aralan ang paggamit ng chitin at chitosan, mga uri ng polymer, upang makontrol ang naturang sakit. Ang pag-aaral ay nagresulta sa pagbuti ng kalusugan ng mga puno ng langka, at mas mataas na produksyon at kita para sa mga magsasaka.

Para sa karagdagan pang impormasyon tungkol sa pag-aaral ukol sa mga peste ng langka, maaaring makipag-ugnayan kay Doktor Lucia Borines sa numerong 5-3 5-6-3 7-0-6-7 o sa kanyang e-mail na lucyborines@vsu.edu.ph (lucy l-u-c-y borines b-o-r-i-n-e-s at v-s-u dot e-du dot p-h). At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang opisyal na Face-book page ng D-A BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash d-a bar official).

image