image

Tikod amo (Oyster), isang uri ng talaba na matatagpuan sa mga baybayin ng Barobo, Lianga Bay sa Surigao del Sur. Ang pangalan nito ay nagmula sa “Kamayo”, lenggwahe ng mga naninirahan sa gitnang silangan ng Mindanao.

Tinawag itong tikod amo dahil sa mala “ankle of an ape” o adductor muscle na itusra nito. Ang laman nito ay may iba’t ibang kulay. Ito ay kalimitang makikitang nakadikit sa mga bato, corals, troso, kawayan at maging sa mga lumang gulong sa dagat.

Ang pagkuha ng tikod amo ay naging pangkabuhayan na ng mga mangingisda sa Surigao del Sur. Higit na mas mataas ang presyo nito kumpara sa ordinaryong talaba na mabibili sa pamilihan. Mabibili ito sa halagang Php400 kada kilo. Dahil sa mataas na demand ng tikod amo, maging mga “baby oyster” ay kinukuha na rin para maibenta.

Dahil dito, bahagyang nabawasan ang populasyon nito at napinsala ang mga corals dahil sa pagkaubos ng mga ito. Base sa mga datos, nabawasan ng 40 hanggang 60 porsyento ang huli ng mga mangingisda taong 2006 hanggang 2008.

Para matugunan ang nasabing problema, sinimulan ng Surigao del Sur State University at ng Bureau of Agricultural Research o BAR ang “Preliminary Study of Tikod Amo on its Potential as an Oyster Culture Species”.

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang anatomiya at biyolohikal na katangian ng tikod amo, malaman ang panahon ng panganganak o pangingitlog nito, at maparami ang mga ito sa paggamit ang iba’t ibang culture system.

Ginamitan ng polyculture ang tikod amo na kung saan ang mga ito ay pinalaki ng may kasamang seaweeds at mga isda gaya ng bangus at siganid sa loob ng isang fish pond.

Naging epektibo ang proyekto dahil tumaas ng 15,000 hanggang 20,000 metrong toneladang tikod amo ang napoproduce kada taon na nagbigay daan upang maiangkat ang mga ito sa China at South Korea.

image