image

Nakiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa mga senior citizens mula sa Bahay Pag-ibig Home for the Aged nitong nakaraang araw (Oct. 2021) sa Holy Angel Village, Barangay Telabastagan, City of San Fernando, Pampanga.

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Information Agency ng ikatlong rehiyon, namahagi ang kagawaran.

Sa kabila ng pandemya, layunin ng selebrasyon na mabigyan ng kahalagahan at kalinga, maging ang pagkilala sa kontribusyon ng mga lolo’t lola sa komunidad.

Pahayag ng Social Worker na si Marion Macatantan, labis ang naging kagalakan at pasasalamat ng buong organisasyon sa kanilang natanggap.

“Tuwang-tuwa po ang mga senior citizens natin ng makita ang mga binigay, malaki ang tulong po nito sa Bahay Pag-ibig lalo na ngayong time of pandemic kasi mahal ang mga bilihin at pagkain, itatanim po namin ang inyong mga dala,” dagdag ni Macatantan.

Nagsimula ang organisasyon noong 1988 na sa kasalukuyan ay may inaalagaang 47 senior citizens edad 60 hanggang 91 anyos.(DA-RFO III, RAFIS)