PCSO GM Robles Itinaas sa Ranggo Bilang Rear Admiral ng PCGA

viber_image_2026-10-06_11-26-33-106

MANILA — Itinaas sa ranggong Rear Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades A. Robles mula sa dating Auxiliary Commodore sa isang seremonya sa Philippine Coast Guard Headquarters noong Oktubre 5, 2026.

Ayon kay Robles, ang bagong ranggo ay dagdag na pagkakataon upang higit niyang mapagtibay ang kanyang paninindigan sa paglilingkod sa publiko.

Aniya, mahalaga ang pagiging naroroon para sa mga nangangailangan ng tulong, paghahanap ng paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan, at pagtiyak na nakararating ang ayuda sa mga tunay na nangangailangan.

viber_image_2026-10-06_11-26-37-712

Binigyang-diin din ni Robles ang mahalagang papel ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang katuwang ng PCSO sa paghahatid ng mga suplay at tulong, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency kung kailan agarang nangangailangan ng suporta ang mga apektadong komunidad.

“At alam din natin ’yan kasi ang atin pong supplies na ipinararating, Philippine Coast Guard rin po ang ating katuwang,” ani Robles.

viber_image_2026-10-06_11-26-35-302

Sa kanyang acceptance speech, nangako rin si Robles na ipagpapatuloy niya ang pakikipagtulungan sa mga kapwa opisyal at tauhan ng PCGA para sa kapakanan ng publiko.

Binigyang-diin niya na higit na nagiging makabuluhan ang anumang posisyon, titulo o ranggo kapag ginagamit ito sa paglilingkod sa kapwa.

“Because at the end of the day, our positions, titles, and ranks are meaningful only when we use them to serve others,” pahayag ni Robles.

viber_image_2026-10-06_11-26-39-900

 

Facebook Comments