BAHA SA MALANDAY, TUMANA PINABIBILIS ANG PAGHUPA; MARIKINA NAGDEPLOY NG MALALAKING BOOSTER PUMPS

772632568_3971635652972588_4828998140731983546_n.jfif

MARIKINA CITY — Mas malalaking mobile booster flood pumps ang idineploy ng Marikina City Government, sa pamamagitan ng Metro Manila Council, upang pabilisin ang pag-alis ng tubig-baha sa mga apektadong lugar sa Barangay Malanday at Barangay Tumana.

Ayon sa Marikina LGU, ang mga bagong booster pumps ay may pumping capacity na tinatayang tatlong beses na mas malaki kumpara sa mga kasalukuyang pump na nakakabit sa Tumana Pumping Station.

Dahil dito, mas malaking volume ng tubig ang maaaring mailabas kada oras at mas mapapabilis ang pag-discharge ng naipong tubig-baha patungo sa drainage outfall.

769025998_1555320386089189_1971141576597091423_n.jfif

Bahagi ito ng patuloy na clearing at pumping operations ng lungsod para mapabilis ang pagbaba ng tubig at mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga residente at pangunahing daanan.

Patuloy namang mino-monitor ng Marikina LGU ang mga apektadong lugar at nakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya upang makapagpatupad agad ng karagdagang hakbang kung kinakailangan.

Pinapayuhan ang mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad habang isinasagawa ang pumping at clearing operations sa mga lugar na apektado ng baha.

770659242_1607470771037348_8284031958880962836_n.jfif

769222769_1496459658913250_7484105703470963589_n.jfif

 

Facebook Comments