Mas pinasaya ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang mga paboritong inumin ng mga Pilipino sa paglulunsad ng SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCash Promo, na nag-aalok ng mahigit ₱50 milyon halaga ng mga papremyo sa buong promo period.
Simula Agosto 1, 2026, libu-libong SMB drinkers sa buong bansa ang may pagkakataong maging “peeling winner” at manalo ng hanggang ₱10,000 instant GCash linggu-linggo.
Kabilang sa participating SMB brands ang San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, at Gold Eagle Beer.
Madali lamang ang pagsali sa promo. Una, bumili ng participating bottles o cans. Makakakuha ng isang coupon sa bawat anim na 320ml, 330ml, o 500ml bottles/cans, o dalawang 1L bottles.
Pagkatapos, i-peel off ang coupon at i-scan ang QR code para mapunta sa GCash promo page. I-scan naman ang promo code upang ma-redeem ito at malaman kung may panalong premyo.
Ayon sa SMB, mas maraming participating products na mabibili, mas marami ring pagkakataong manalo sa promo na hatid ng kanilang mga paboritong beer.
Available ang SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCash Promo nationwide hanggang Disyembre 1, 2026.
Para lamang ito sa mga 18 taong gulang pataas.
Drink responsibly.