45,000 KABAHAYAN SA SAN JUAN, TATANGGAP NG EMERGENCY GO BAGS; LUNGSOD PINALALAKAS ANG KAHANDAAN SA KALAMIDAD

DAX_2653

Sinimulan ngayong Agosto 12 ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora, ang pamamahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 kabahayan sa buong lungsod bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng disaster preparedness at emergency response sa antas ng bawat pamilya.

Isinagawa ang pormal na paglulunsad ng programa sa San Juan City Hall Atrium, kung saan ginanap ang ceremonial turnover ng Emergency Go Bags sa 21 Barangay Captains ng lungsod. Sinundan ito ng unang yugto ng pamamahagi sa mga kabahayan mula sa mga barangay ng District 1.

Isasagawa naman sa Agosto 13 ang pamamahagi sa mga kabahayan sa mga barangay ng District 2.

DAX_2651

Bawat Emergency Go Bag ay naglalaman ng mahahalagang gamit para sa kaligtasan, first aid at agarang pagtugon sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency. Kabilang dito ang safety helmet, first aid kit, rechargeable flashlight, power bank, raincoat o poncho, thermal blanket, KN95 masks, alcohol, emergency handbook, whistle at glow stick. Mayroon din itong gauze pad, elastic bandage, T-bandage, povidone-iodine, Band-Aid, medical micropore tape, alcohol pad, trauma shears at cotton balls.

DAX_2512

Ayon sa Pamahalaang Lungsod, layunin nitong mabigyan ng Emergency Go Bags ang lahat ng 45,000 kabahayan sa San Juan. Isasagawa ang distribusyon sa apat na phases—tatlo ngayong 2026 at ang huling yugto sa 2027—hanggang sa makumpleto ang target na mga benepisyaryong kabahayan.

Bahagi ito ng komprehensibong disaster preparedness program ng lungsod upang matiyak na may agarang access ang mga pamilya sa pangunahing safety, emergency at first aid supplies kapag dumating ang mga kalamidad o iba pang emergency situation.

DAX_2624

Facebook Comments