National Library of the Philippines pangungunahan ang 36th Library and Information Services Month sa Nobyembre

78dd7419-d792-47e9-adc4-5e28e8ed9e81.jfif

MANILA, Philippines — Pangungunahan ng National Library of the Philippines (NLP) ang pagdiriwang ng 36th Library and Information Services Month (LISM) ngayong Nobyembre 1 hanggang 30, 2026, na may temang “ASEAN-LINK: ASEAN Libraries: Integrating Networked Knowledge for Culture.”

Isasagawa ang pagdiriwang sa pakikipagtulungan ng National Committee on Library and Information Services (NCLIS) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Layunin ng LISM 2026 na palakasin ang pagpapahalaga sa kultura, panitikan at kasaysayan ng ASEAN sa pamamagitan ng mga koleksiyon at programa ng mga aklatan.

Itinatampok din nito ang pagpapalawak ng ugnayan ng mga aklatan sa Pilipinas at iba pang information centers sa ASEAN upang mapalakas ang pagbabahagi ng kaalaman, pananaliksik at kulturang rehiyonal.

image-6.png

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang opening ceremonies sa Nobyembre 5, exhibition at bazaar, mga webinar, seminar at workshop, gayundin ang LISM @ the Mall (ASEAN) na magdadala ng library services, reading programs at cultural activities sa mga pampublikong lugar.

Isasagawa rin ang Outreach Book Picnic sa Lake Sebu, South Cotabato sa Nobyembre 19 hanggang 21, na naglalayong itaguyod ang pagbabasa at storytelling habang ipinagdiriwang ang kahalagahan ng panitikan.

Bahagi rin ng selebrasyon ang Book Theatre Concert, isang lingguhang programa tuwing Biyernes na pagsasamahin ang literatura, pagtatanghal at musika.

May mga patimpalak din tulad ng LibraryFeud: The Linked Ka Na Ba?, Guess the Book by Emoji, at Best Research Award para sa mga natatanging gawaing pang-aklatan at information science na nagtataguyod ng regional collaboration.

77dbc143-ba16-4768-b63d-19c39fa8179c.jfif

Magtatapos ang isang buwang selebrasyon sa Awarding and Closing Ceremonies sa Nobyembre 26, kung saan kikilalanin ang mga natatanging partner organization at mga nagwagi sa mga patimpalak.

Hinihikayat ng NLP ang publiko na makiisa sa LISM 2026 upang tuklasin ang papel ng mga aklatan bilang tulay sa kultura, kaalaman at pagkakaisa sa rehiyon ng ASEAN.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring sundan ang social media accounts ng National Library of the Philippines na @NLP1887.

download (31).jfif.jpg

National_Library_of_the_Philippines_in_February_2026_1

Facebook Comments