Mga Christian leader inilunsad ang "Sulo ng Pananagutan," nanawagan laban sa kultura ng pananakot at impunity

0e6abb8b-33e3-4d7a-bccb-fa22cbc4e71d.jfif

QUEZON CITY — Inilunsad ng grupong Kingdom Keepers ang “Sulo ng Pananagutan: Bayan Ko, Kababayan Ko, Pananagutan Ko” sa Roman Catholic Diocese of Cubao noong Martes, Agosto 4, bilang panawagan sa mga Pilipino na labanan ang lumalalang kultura ng pananakot, karahasan, at kawalan ng pananagutan sa bansa.

Pinangunahan ng mga lider Kristiyano mula sa iba’t ibang denominasyon ang biblical reflection at press conference kung saan iginiit nilang hindi dapat manahimik ang Simbahan at mga mananampalataya sa harap ng katiwalian, karahasan, at iba pang uri ng kawalang-katarungan.

71f71e9e-8182-48cd-9fb9-fef53a96726b.jfif1e551915-e607-4b83-8b29-edf69a242e22.jfif

Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina Fr. Albert Alejo, SJ, Fr. Daniel Franklin Pilario, CM, Ptr. Noli P. Mendoza, Th.M., at Kingdom Keepers convenors na sina Fr. Robert Reyes at Dr. Melba P. Maggay. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng mga banta dahil sa kanilang paninindigan laban sa katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.

Binigyang-diin ni Ptr. Mendoza na ang kapangyarihan ay may kaakibat na pananagutan at nagbabala na kapag nawawala ang pananagutan, lumalaganap ang karahasan, nawawala ang tiwala ng mamamayan, at namamayani ang katiwalian.

1aa116fd-7f62-473d-a5cb-8e33d8194ae7.jfif2914f439-525d-481a-80f0-38e43268b273.jfif

Kasunod ng talakayan, pormal na inilunsad ang Sulo ng Pananagutan, isang simbolikong tanglaw na nilikha ng kilalang iskultor na si Julie Lluch. Ayon sa Kingdom Keepers, magsisilbi itong sagisag ng kanilang adbokasiya para sa katotohanan, katarungan, pananagutan, at pagtatanggol sa dignidad ng tao.

Nanawagan ang grupo sa mga Kristiyano at sa lahat ng Pilipino na patuloy na ipaglaban ang katotohanan at katarungan sa kabila ng pananakot at iba pang anyo ng panggigipit.

72fbeb35-4668-42aa-b9bd-47a67a18c8ce.jfif

 

 

 

Facebook Comments